Work Permit Holder Welfare Survey - Tagalog

1. Tungkol sa survey na ito

0%
Panimula
Ang survey na ito ay para sa mga tao na nagtatrabaho, o nagtrabaho, sa Jersey na may work permit (permisong magtrabaho). Gagamitin ang mga tugon nang walang pagkakakilanlan bilang bahagi ng isang pagtatasa ng patakaran sa work permit ng Jersey at ang proteksyon na inaalok nito sa mga nagtatrabaho.

Isinasagawa ang pagtatasa na ito ng Work Permit Holder Welfare Review Panel na itinayu ng Island's Scrutiny function na sumusuri sa mga patakaran at kapasyahan ng Pamahalaan.

Tungkol saan ang survey?
Ang survey na ito ay tungkol sa iyong karanasan sa pamumuhay at pagtatrabaho sa Jersey na may work permit.

Ang iyong mga pananaw ay mahalaga upang malaman ang kapakanan ng mga may hawak ng work permit at paano mapagbubuti ang tulong sa mga may hawak nito.

Nagtatanong ang survey na ito ng mga tukoy na mga katanungan kung paano kumuha ng work permit at iyong kapakanan ngunit tumatanggap din kami ng iyong mga pangkalahatang pagpuna sa iyong karanasan sa Jersey.

Nilalayon ng survey na ito sa mga may hawak ng work permit, ngunit pinapahalagahan din ng Panel ang mga pananaw ng mga kabalikat na maaaring makipag-ugnayan sa amin nang kanilang mga karanasan gamit ang pagliham (walang pagkakakilanlan kung kailangan) sa Panel sa scrutiny@gov.je

Pagkumpleto ng Survey
Boluntaryo ang survey na ito at llahat ng iyong mga tugon ay tatratuhing walang pagkakakilanlan.  Maaaring sumangguni ang Panel sa mga sipi na naipon mula sa mga katanungan sa survey, ngunit hindi sila iuugnay sa sinumang indibidwal.

Maaaring mangailangan ang survey na ito nang mahigit 15 minuto upang makumpleto. Ang deadline para sa survey ay sa 2 Hunyo 2023. 

Kung ikaw ay mayroong mga katanungan tungkol sa survey o nais na maglaan sa Panel ng anumagn impormasyon para sa pagtatasa na ito nang walang pagkakakilanlan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa scrutiny@gov.je o 01534 441084.